Wednesday, July 21, 2010

Gab's Awie

     This happened when Gab was 1 year and 5 months old - May 4, 2009.  I was busy packing our things kasi magsu-swimming kami coz wedding anniversary ng Tito and Tita ng husband ko.  My husband was cleaning the car while Gab and his yaya were playing in the garage.  Pinakuha ni hubby yung thermos sa yaya.  Yaya placed the thermos on the floor since hubby was still cleaning the car, so hindi pa makapag-load ng gamit. Hubby asked the yaya to fix na her things, syempre dapat sinama nya si Gab but she didn't.  YUN! Narinig na lang namin na umiiyak na si Gab.  Pag labas ko sa garahe, Gab was standing near the thermos at may umagos ng tubig .. Salamat na lang at naka crocs si Gab kaya hindi direct na tumapon yung kumukulong tubig sa paa nya. 

     We rushed Gab sa hospital at habang nasa daan kami natutuklap na yung skin.. third degree burn! My God! Gab was crying the whole time. And lalo pa syang umiyak nung nasa emergency room na kami.  Yung resident doctor gusto syang i-confine pero his Pedia said pauwiin na lang.  Ang fear kasi nung doctor ay magdikit-dikit yung mga toes nya. 

     Since hindi nga sya na-confine I had to bring him sa ER every morning for three weeks para linisin nila yung awie ni Gab.  And walang araw na hindi sya umiyak ng todo habang nililinisan ang awie nya.  Palagi akong kino-convince ng doctor sa ER (Dr. Capacia, na super nice) na ako na lang ang maglinis kasi kaya ko naman daw. And finally nung fourth week ako na lang naglinis.  Bumili na lang ako ng maraming gauze saka cream saka yung gauze na may antibiotic na nilalagay in between his toes para hindi magdikit-dikit.. with the help of tubig na pinaglagaan ng dahon ng bayabas (para mabilis matuyo ang sugat).. nakayanan ko lahat.  Umiiyak pa din si Gab pero hindi katulad nung nasa ER na apat na nurse plus ako ang pumipigil sa kanya. Sa bahay Lolo lang nya ang katulong ko, wala nang struggle.  Simula nun whenever you ask Gab where's his awie, itinuturo  nya yung foot nya.

     And if you're going to ask about the Yaya, umalis sya after two days nung matapunan ng hot water si Gab.  Hindi ko naman sya pinaalis, hindi ko din sya pinagalitan. Nakakainis lang kasi sa mom-in-law ko sya nagsabi na aalis na sya at ang sabi nya mahirap daw kasi dahil sya ang sinisi.  According to her, sinabi daw ni hubby na sya na ang titingin kay Gab nung inayos nya yung things nya.  Which my husband denied. Bakit daw nya sasabihin yun e naglilinis sya ng kotse.  One thing na nakakainis pa, hindi ako kinakausap ni Yaya na parang ako pa ang dapat mahiya sa kanya. 

                                          Medyo pagaling na ito. Good sign daw yung blood accdg.
                                          to Dr. Capacia.
                                                     Bago mag-bathie dapat ibalot sa plastic
                                                    Gab and his awie ..
                                         

Monday, July 19, 2010

My DFA Story

Day 1:     My co-anchor and I went to PISU (Public Information Services Unit) office ng DFA sa old building para kumuha ng endorsement sa courtesy lane.  Mga 10am na kami nakarating dun, fill up ng form konting chicka-chika tapos pumunta na kami sa bagong building ng DFA sa Macapagal Blvd.  The new building is a lot nicer than the old one.. mas komportableng kumuha /mag-renew ng passport. All the while I thought mabilis lang ako makakapag-process ng renewal ng passport ko dahil sa courtesy lane nga but I was so wrong.  Kailangan ko daw kasing kumuha ng number sa Security Supervisor pero naka-lunch break, that was 11:40am.  So I waited.  Kailangan nang umalis ng co-anchor ko para makaabot sya sa radio program namin. So ako, naiwan.  I patiently waited for the Security Supervisor.  1:30PM, yung isang security guard sinabihan ako na pumila na sa information counter.  Nung turn ko na, sinabi sa akin ng employee dun na i-schedule nya ako ng July 9.. WTF! Kailangan ko ang passport ko asap dahil mahirap daw kumuha ng visa for China.  And besides, bakit nila ako i-schedule e courtesy lane nga yun. I asked the employee na kung babalik ako kinabukasan e maa-accommodate ba ako.  I should be there early daw kasi first 50 lang.  So I decided to try my luck the following day.  Ok lang naman, naiintindihan ko naman na marami ding pumipila sa courtesy lane: government employees, ex-government employees(atleast wala pang 1 year na wala sa service), media at iba pang may kamag-anak ng mga nabanggit ko.  Pero naman, sana lang hindi naman nila ako pinaghintay ng ganun katagal para lang sabihin nila na quota na sila para sa araw na yun.  Dapat nung 11:40am pa lang alam na nila na puno na ang courtesy lane.


Day 2:     Sabay na naman kami ng co-anchor ko pumuntang DFA.  We arrived there before 7:30AM.  Magkaiba kami ng pila kahit pareho kaming sa courtesy lane, pero Senior Citizen din kasi sya so mas priority kesa sa akin.  Ang tagal kong pumila. 9AM na ako nakapasok sa building.  Diretso na sa area ng courtesy lane.  Another two hours na paghihintay kasi pala kailangan pa ng approval ng endorsement ko.  Ang number ko 25.  Hindi ko maintindihan kung bakit napakatagal kong naghintay e nung turn ko na sa interview for approval wala pang 5 mins tapos na ako.  Tiningnan lang ang documents ko, tinanong kung anong radio station, tapos na. Sinabihan na ako ng "you may now process your passport renewal."
             
                Kuha ulit ng number para sa processing na.. my number was 156 at 96 palang ang sineserve. Naghintay pa din ako kahit alam kong aabutan ako ng lunch break, yes may lunch break, more than 1 hour ang lunch break nila. After ko mag-lunch sa McDo sa tapat ng Consular Affairs Bldg ng DFA (na sobrang jampacked dahil yun lang ang pinakamalapit na kainan), deretso na ulit sa pila. Haaayy... nakakalokang maghintay lalo na wala kang makausap.  Ang dami sanang counter pero hello, walo lang ang gumagana.  Sayang naman yung mga bakante, kung may staff lang sana sila para sa mga counters na yun mas mabilis sana ang proseso.  Mga 10 mins before 3PM tinawag na ang pangalan ko.  Proceed na ako sa payment, P1200 para sa express, 10 day processing.  Kung hindi ako nagkakamali P900 plus para sa regular processing which is 25 days.  Well hindi naman ako tinanong kung regular o express, basta na lang nilagay na express pero Ok lang naman kasi kailangan ko na nga makuha ang passport ko agad.  After paying mabilis na ang lahat.  Hindi na ako pumila para sa data enrollment at picture kasi nakahiwalay ang para sa courtesy lane, kapag nabakante ang isang booth pwede ka nang sumunod.  Pinadeliver ko na lang ang passport ko for P120.  A day after ng releasing papadala na sa'yo.  Pinadeliver ko na lang kahit ma-delay ng isang araw kasi ayoko nang bumalik sa DFA dahil napagod talaga ako sa paghihintay ng matagal.  Nasa courtesy lane pa ako, pa'no na yung mga nagpa-schedule na nakapila sa labas ng building? Haayy... sana naman mabago na ang sistema nila at ng iba pang ahensya ng gobyerno natin.  Nevertheless, nagpapasalamat pa din ako sa pribilehiyo na makapag-renew sa courtesy lane.  Nahirapan ako pero alam kong mas mahirap kung dumaan ako sa regular na proseso.

Maraming salamat kay Sir Mark and Ms Fely sa PISU office. Sila ang nag-asikaso sa amin hanggang sa pagpo-photo copy ng documents namin. :-)

Saturday, July 17, 2010

Visit to the Pedia

     Last July 15 we went to Gab's Pedia because he has fever and he was vomiting the night before.  Ginising ko pa sya around 4AM kasi 38.3 ang temp nya kaya kailangan nya mag-take ng Paracetamol.  May hinala na ako na tonsilis (for the nth time) ang sakit ni Gab.  Haay... katatapos lang namin ng medication sa Primary Complex nya nung July 4 and here we go again -gamutan na naman.  Pero ok lang kasi antibiotics takes 6-7 days lang, well atleast for kids.  I was right, tonsilitis nga! Nagdeposit na naman ako sa Mercury Drug. Libre naman kasi ang Pedia namin kasi Tita ng husband ko, covered din naman kami ng health card ng hubby ko pero hindi ino-honor sa hospital kung saan nandun Pedia ni Gab.  Here are our pictures while waiting for the nurse to call Gab's name....



FINALLY!

     I finally started my blog.  Ang tagal ko nang ginawa itong account ko pero ngayon ko lang finally naumpisahan.  Is it because I'm busy?? Two jobs plus wala akong yaya for my 2 year old baby.. haayy... ewan ko ba.. Sa dami lang siguro ng gusto kong gawing topic for my first blog hindi ko na naumpisahan. 

     I've plenty of stories everyday.. syempre dalawang opisina ba naman ang pasukan mo araw-araw mawawalan ka ba naman ng kwento.  You'll be reading more of my stories in the coming days.. sana hindi naman kayo mabore :-)