This happened when Gab was 1 year and 5 months old - May 4, 2009. I was busy packing our things kasi magsu-swimming kami coz wedding anniversary ng Tito and Tita ng husband ko. My husband was cleaning the car while Gab and his yaya were playing in the garage. Pinakuha ni hubby yung thermos sa yaya. Yaya placed the thermos on the floor since hubby was still cleaning the car, so hindi pa makapag-load ng gamit. Hubby asked the yaya to fix na her things, syempre dapat sinama nya si Gab but she didn't. YUN! Narinig na lang namin na umiiyak na si Gab. Pag labas ko sa garahe, Gab was standing near the thermos at may umagos ng tubig .. Salamat na lang at naka crocs si Gab kaya hindi direct na tumapon yung kumukulong tubig sa paa nya.
We rushed Gab sa hospital at habang nasa daan kami natutuklap na yung skin.. third degree burn! My God! Gab was crying the whole time. And lalo pa syang umiyak nung nasa emergency room na kami. Yung resident doctor gusto syang i-confine pero his Pedia said pauwiin na lang. Ang fear kasi nung doctor ay magdikit-dikit yung mga toes nya.
Since hindi nga sya na-confine I had to bring him sa ER every morning for three weeks para linisin nila yung awie ni Gab. And walang araw na hindi sya umiyak ng todo habang nililinisan ang awie nya. Palagi akong kino-convince ng doctor sa ER (Dr. Capacia, na super nice) na ako na lang ang maglinis kasi kaya ko naman daw. And finally nung fourth week ako na lang naglinis. Bumili na lang ako ng maraming gauze saka cream saka yung gauze na may antibiotic na nilalagay in between his toes para hindi magdikit-dikit.. with the help of tubig na pinaglagaan ng dahon ng bayabas (para mabilis matuyo ang sugat).. nakayanan ko lahat. Umiiyak pa din si Gab pero hindi katulad nung nasa ER na apat na nurse plus ako ang pumipigil sa kanya. Sa bahay Lolo lang nya ang katulong ko, wala nang struggle. Simula nun whenever you ask Gab where's his awie, itinuturo nya yung foot nya.
And if you're going to ask about the Yaya, umalis sya after two days nung matapunan ng hot water si Gab. Hindi ko naman sya pinaalis, hindi ko din sya pinagalitan. Nakakainis lang kasi sa mom-in-law ko sya nagsabi na aalis na sya at ang sabi nya mahirap daw kasi dahil sya ang sinisi. According to her, sinabi daw ni hubby na sya na ang titingin kay Gab nung inayos nya yung things nya. Which my husband denied. Bakit daw nya sasabihin yun e naglilinis sya ng kotse. One thing na nakakainis pa, hindi ako kinakausap ni Yaya na parang ako pa ang dapat mahiya sa kanya.
Medyo pagaling na ito. Good sign daw yung blood accdg.
to Dr. Capacia.
Bago mag-bathie dapat ibalot sa plastic
Gab and his awie ..