Day 1: My co-anchor and I went to PISU (Public Information Services Unit) office ng DFA sa old building para kumuha ng endorsement sa courtesy lane. Mga 10am na kami nakarating dun, fill up ng form konting chicka-chika tapos pumunta na kami sa bagong building ng DFA sa Macapagal Blvd. The new building is a lot nicer than the old one.. mas komportableng kumuha /mag-renew ng passport. All the while I thought mabilis lang ako makakapag-process ng renewal ng passport ko dahil sa courtesy lane nga but I was so wrong. Kailangan ko daw kasing kumuha ng number sa Security Supervisor pero naka-lunch break, that was 11:40am. So I waited. Kailangan nang umalis ng co-anchor ko para makaabot sya sa radio program namin. So ako, naiwan. I patiently waited for the Security Supervisor. 1:30PM, yung isang security guard sinabihan ako na pumila na sa information counter. Nung turn ko na, sinabi sa akin ng employee dun na i-schedule nya ako ng July 9.. WTF! Kailangan ko ang passport ko asap dahil mahirap daw kumuha ng visa for China. And besides, bakit nila ako i-schedule e courtesy lane nga yun. I asked the employee na kung babalik ako kinabukasan e maa-accommodate ba ako. I should be there early daw kasi first 50 lang. So I decided to try my luck the following day. Ok lang naman, naiintindihan ko naman na marami ding pumipila sa courtesy lane: g
overnment employees, ex-government employees(atleast wala pang 1 year na wala sa service), media at iba pang may kamag-anak ng mga nabanggit ko. Pero naman, sana lang hindi naman nila ako pinaghintay ng ganun katagal para lang sabihin nila na quota na sila para sa araw na yun. Dapat nung 11:40am pa lang alam na nila na puno na ang courtesy lane.
Day 2: Sabay na naman kami ng co-anchor ko pumuntang DFA. We arrived there before 7:30AM. Magkaiba kami ng pila kahit pareho kaming sa courtesy lane, pero Senior Citizen din kasi sya so mas priority kesa sa akin. Ang tagal kong pumila. 9AM na ako nakapasok sa building. Diretso na sa area ng courtesy lane. Another two hours na paghihintay kasi pala kailangan pa ng approval ng endorsement ko. Ang number ko 25. Hindi ko maintindihan kung bakit napakatagal kong naghintay e nung turn ko na sa interview for approval wala pang 5 mins tapos na ako. Tiningnan lang ang documents ko, tinanong kung anong radio station, tapos na. Sinabihan na ako ng "you may now process your passport renewal."
Kuha ulit ng number para sa processing na.. my number was 156 at 96 palang ang sineserve. Naghintay pa din ako kahit alam kong aabutan ako ng lunch break, yes may lunch break, more than 1 hour ang lunch break nila. After ko mag-lunch sa McDo sa tapat ng Consular Affairs Bldg ng DFA (na sobrang jampacked dahil yun lang ang pinakamalapit na kainan), deretso na ulit sa pila. Haaayy... nakakalokang maghintay lalo na wala kang makausap. Ang dami sanang counter pero hello, walo lang ang gumagana. Sayang naman yung mga bakante, kung may staff lang sana sila para sa mga counters na yun mas mabilis sana ang proseso. Mga 10 mins before 3PM tinawag na ang pangalan ko. Proceed na ako sa payment, P1200 para sa express, 10 day processing. Kung hindi ako nagkakamali P900 plus para sa regular processing which is 25 days. Well hindi naman ako tinanong kung regular o express, basta na lang nilagay na express pero Ok lang naman kasi kailangan ko na nga makuha ang passport ko agad. After paying mabilis na ang lahat. Hindi na ako pumila para sa data enrollment at picture kasi nakahiwalay ang para sa courtesy lane, kapag nabakante ang isang booth pwede ka nang sumunod. Pinadeliver ko na lang ang passport ko for P120. A day after ng releasing papadala na sa'yo. Pinadeliver ko na lang kahit ma-delay ng isang araw kasi ayoko nang bumalik sa DFA dahil napagod talaga ako sa paghihintay ng matagal. Nasa courtesy lane pa ako, pa'no na yung mga nagpa-schedule na nakapila sa labas ng building? Haayy... sana naman mabago na ang sistema nila at ng iba pang ahensya ng gobyerno natin. Nevertheless, nagpapasalamat pa din ako sa pribilehiyo na makapag-renew sa courtesy lane. Nahirapan ako pero alam kong mas mahirap kung dumaan ako sa regular na proseso.
Maraming salamat kay Sir Mark and Ms Fely sa PISU office. Sila ang nag-asikaso sa amin hanggang sa pagpo-photo copy ng documents namin. :-)